top of page

Mga Manufacturers sa Bansa, Makakapag-produce na ng Locally-Made PPEs

May kakayahan na ang Pilipinas na mag-manufacture ng mga personal protective equipments (PPEs) sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ito ang sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez.

Mahigit 10 kompanya ang nagsaad na kaya nilang mag-produce ng mga PPE, foreign o local man ang mga ito pagkatapos kumbinsihin ng Trade department na isaalang-alang ang kanilang resources at manpower.

Dahil dito, ang mga institusyong ito ay kasalukuyang nagmamanufacture na ng PPEs, coveralls, masks at ventillators.

Matatandaang nagkaroon ng global shortage sa mga protective gear na naging dahilan kung bakit napilitan mga frontliners na mag-improvise, ayon sa Department of Health.



bottom of page