Mga Miyembro ng SSS na Nawalan ng Trabaho, Makatatanggap ng Unemployment Cash Aid

Dahil sa bumabang bilang ng employment rate sa bansa bunsod ng COVID-19 pandemic, maglalaan ang Social Security System (SSS) ng cash aid hanggang P20,000, depende sa monthly salary credit ng mga miyembro nitong nawalan ng trabaho.
Ayon kay SSS Public Affairs and Special Events Division head Fernando Nicolas, kailangan lamang na makapagpakita ng Department of Labor and Employment certificate at savings account ang mga miyembro upang matanggap ang cash benefit.
Hahatiin sa kinsenas at katapusan ang pagbibigay sa unemployment aid na ito at matatanggap limang araw pagkatapos makapagpasa ng requirements ng mga SSS members.
Bagamat nakatanggap na ng pera ang mga unemployed members sa iba't ibang sangay ng gobyerno, nilinaw ni Nicolas na kwalipikado pa rin sila sa programang ito ng SSS.
Ang nga self-employed na miyembro naman ay hindi kabilang sa mga makatatanggap ng unemployment aid.