Mga Muslim nangangamba sa paggunita ng Ramadan
Updated: Apr 24, 2020
Ilang araw bago magsimula ang Ramadan, marami pa ring Muslim ang nababahala sa pagdaraos ng Holy month of Fasting sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Nagpatupad na ng coronavirus safety guidelines tulad ng curfews, mass prayer bans, at pagsasara ng mga mosque ang ilang mga bansa sa Southeast Asia at Middle East upang mapigilan ang lalong pagkalat ng sakit sa Islamic communities.
Samantala, upang mabawasan ang pangamba ng kanilang mga mamamayan, naglunsad na ng plano ang Senegal at United Arab Emirates na magbigay-ayuda sa mga nangangailangan.
Marami sa mga muslims ang nalulungkot dahil ang mga seremonyas ng Ramadan tulad ng Eid al-Fitr at Tiriwah ay hindi nila maipagdiriwang ng sama-sama.
