Mga Nagbitiw na PhilHealth Execs, Kakasuhan pa Rin

Ipinarating ng mga mambabatas na hindi ligtas mula sa kaso ang dalawang nagbitiw na Top Executives ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).
Ito’y matapos magsumite ng resignation letter si PhilHealth President at CEO Ricardo Morales kay President Rodrigo Duterte noong Miyekules.
Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na pinayuhan raw ng pangulo si Morales na magbitiw na sa pwesto dahil sa sakit nitong cancer.
Maliban kay Morales, nauna ng nag resign si Atty. Rodolfo Del Rosario Jr. na dating Senior Vice President for legal sector ng ahensiya.
Nahaharap sa malaking kontrobersiya ang PhilHealth sa sinasabsa umanoy pagkulimbat ng mga matataas na opisyal nito ng mahigit P15 billion.
Sinabi nina Sen. Panfilo Lacson at Francis Pangilinan na hindi makaliligtas ang dalawa mula sa criminal charges sa kabila ng pagbibitiw nila sa pwesto.
Ipinahayag naman ni Morales na handa itong makipagtulungan sa Imbestigasyon.