top of page

Mga Nawalan ng Trabaho Dahil sa COVID, Umabot na sa 2.5 Milyon

Sa datos na inilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE), nasa 2.5 million workers na ang naitalang nawalan ng trabaho matapos magsara ang mahigit 93,000 commercial establishment dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon kay DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay, halos 900,000 sa mga ito ay mula sa Metro Manila at halos 300,000 ang nawalan ng trabaho sa Central Luzon.

Sinabi naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III na maaari pang tumaas ang bilang ng displaced workers kung hindi magpapatupad ng flexible work arrangements ang mga business establishments.

Iminungkahi naman ni Finance Secretary Carlos Dominguez III sa pamahalaan na i-hire ang mga unemployed bilang contact tracers na magt-trace sa mga taong nakasalamuha ng mga COVID-positive patients.

Iniulat naman ni Overseas Workers Welfare Administration Chief Hans Cacdac na mabibigyan ng P10,000 ayuda ang mahigit 150,000 overseas Filipino workers (OFWs) na apektado ng virus sa ilalim ng Abot Kaya sa Pagtulong (AKAP) program.



bottom of page