top of page

Mga Negosyante, Umapela sa Kongreso na Ipasa na ang 27 Reform Measures


Umapela ang 14 business groups at foreign chambers sa Senado at Kamara na ipasa na ang 27 reform measures na nakabinbin sa 18th Congress na susuporta sa economic recovery.

Sa ipinalabas na pahayag, sinabi ng biz groups na isinulong nila ang business at economic reform measures noon pang Hulyo ng 2019 at iginiit ang suporta sa mga legislative measures na nabinbin.

Nagpaabot din ng liham ang biz groups kina Pangulong Duterte, Senate President Vicente Sotto III, at House Speaker Alan Peter Cayetano para makuha ang suporta sa 27 legislative reforms.

Giit ng biz groups, ang reform package mula sa 27 measures ay magsusulong ng inclusive growth sa paglikha ng trabaho, pagsugpo sa kahirapan, pagpapahusay sa national competitiveness, at pagsuporta sa economic recovery, at mabilis na paglago ng ekonomiya sa 2021 at sa mga susunod na taon.

Ang top 10 priority measures ng Philippine business groups at foreign chambers ay ang Public Service Act amendments, Tax Reform Package 2 o ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act, amendments on Foreign Investment Act, Retail Trade Act amendments, Apprenticeship Program Reform, Build Operate Transfer Law amendments, Freedom of Information Act, Bank Secrecy Law amendments, foreign equity restriction amendments to the Constitution, at Tax Reform Package 3, o ang Property Valuation and Assessment.

Sumusunod sa listahan ang Tax Reform Package 4 o ang Capital Income and Financial Taxes, Open Access in Data Transmission Act, Water Department Act, Farm Entrepreneurship Act, amendments on Philippine Economic Zone Authority law, Agri-Agra law amendments, Holiday Rationalization Act, National Disaster Risk Reduction and Management Authority Act, National Land Use Act, at National Traffic and Congestion Crisis Act.

Kabilang namang sa 14 biz groups na nagsusulong ng reporma ay ang Alyansa Agrikultura, American Chamber of Commerce of the Philippines, Australian-New Zealand Chamber of Commerce of the Philippines, Canadian Chamber of Commerce of the Philippines, European Chamber of Commerce of the Philippines, Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc., Foundation for Economic Freedom, IT and Business Process Association of the Philippines.

Habang lumiham din sa Pangulo at leaders ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang Japanese Chamber of Commerce and Industry of the Philippines, Inc., Korean Chamber of Commerce of the Philippines, Inc., Makati Business Club, Management Association of the Philippines, Philippine Association of Multinational Companies Regional Headquarters, Inc., at ang Semiconductor and Electronics Industries in the Philippines, Inc. --- by, Benedict Abaygar Jr.

bottom of page