top of page

Mga OFW na Nawalan ng Trabaho Dahil sa COVID Umabot sa 230,000

Nanawagan ng tulong pinansiyal sa gobyerno ang mahigit 230,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) matapos mawalan ng trabaho dahil sa coronavirus disease pandemic. Ayon sa Department of Labor ang Employment (DOLE), lumagpas na sa 150,000 target beneficiaries ang natanggap na applications ng Philippine Overseas Labor Offices (POLO) at nanghingi na ng supplemental budget ang kagawaran sa national government upang patuloy na matulungan ang mga OFWs at local na manggagawa. Dagdag ng ahensiya, makatatanggap ang mahigit 49,000 OFW applicants ng P10,000 o $200 cash aid sa loob ng 10 working days sa ilalim ng Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP) program ng DOLE. Samantala, naglabas naman ng P1.7 billion ang departamento upang matulungan ang mahigit dalawang milyon manggagawang Pilipino na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19.





bottom of page