top of page

Mga Pilipino, Handa Nang Maging "Cashless"

Lumalabas sa survey ng Visa Philippines na apat sa limang Pilipino ang gumagamit ng cashless transactions gaya ng debit-credit cards, e-wallets, mobile wallets at online transfers sa kanilang araw-araw na gastusin.

Bagaman ang paghawak ng cash pa rin ang pangunahing pamamaraan sa mga transaksyon, isiniwalat ng pag-aaral na ito na mas gumagamit na ang mga Pilipino ngayong 2020 ng contactless transactions kumpara sa nakalipas na dalawang taon.

Sa kabilang banda, mas naging kumbinyente naman sa mga mamamayan ang ganitong mga pamamaraan lalo't nasa ilalim ang bansa sa enhanced community quarantine, ipinatupad ang work from home policy at popular ang e-commerce.



bottom of page