Mga Pilipinong Walang Trabaho, Dapat Unahin ng Gobyerno bago Foreigners, Ayon kay Sen. Gatchalian

Bagaman inihain niya na dapat nang payagang pumasok sa loob ng bansa ang mga foreigner na mahalaga ang trabaho sa Pilipinas, iginiit pa rin ni Senate Committee on Economic Affairs vice chairman Sherwin Gatchalian na dapat gawing prayoridad ng pamahalaan ang mga Pilipinong wala pang hanap-buhay, bago ang mga dayuhan.
Ipinahayag ito ng senador matapos ianunsyo ni Presidential Spokersperson Harry Roque na maaaring magbigay ng oportunidad ang gobyerno sa mga foreigners kaayon ng business travel proposals sa ilalim ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Dagdag ni Gatchalian, kakaunti lamang sa kasalukuyan ang umiikot na pera sa ekonomiya, kaya makatutulong daw ito upang makaahon ang ating bansa at mga kababayan sa hirap ng buhay na dulot ng COVID-19 pandemic.
Ayon din sa kanya, lumilitaw sa April 2020 Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority na tinatayang nasa 7.3 milyong Pilipino ang walang trabaho sa ngayon.