• Estephany Rivera

Mga Pinoy, Pwede ng Bumiyahe sa 31 na Bansa


Inanunsiyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na pwede ng magbiyahe ang mga Pinoy sa 31 na bansa sa buong mundo matapos silang mag-alis ng inbound border restrictions sa Pilipinas.

Ayon sa ahensiya, kabilang sa mga bansang bukas para sa mga Pinoy ang Bahamas, Egypt, at United Arab Emirates.

Nasa 78 na bansa naman ang bukas para sa mga Filipino na residente doon, overseas Filipino workers (OFW) na mayroong work visas at kontrata, o UN passport holders na may official travel.

Samantalang 68 na bansa pa ang sarado ang borders tulad ng Cuba, Haiti, Palau, Timor Leste, France, at halos lahat ng bansa sa Middle East at African regions.

Sa huling ulat ng DFA, pinapayagan na ng 138 na bansa ang pag-uwi ng mga Filipino sa Pilipinas.

Bagamat nag-anunsiyo na ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa pagpapatuloy ng International flights sa NAIA Terminal 3 simula July 8, pinaalalahanan pa rin ng DFA ang publiko na maghanda sa maaaring pag-iiba ng travel restrictions anumang oras.


Ipinaalala din ng Bureau of Immigration na hindi pa rin pinahihintulutan ang pagbabiyahe

sa ibang bansa upang mamasyal o iba pang leisure purposes.