top of page

Mga Public Hospital Nurse, Makatatanggap na ng Salary Increase


Matapos ang mahigit dalawang dekada na pakikibaka ng mga nurse sa pampublikong institusyon para sa salary increase, matatanggap na ng mga tinaguriang makabagong bayaning ito sa panahon ng COVID-19 pandemic ang kanilang salary increase.

Inilabas ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Wendel Avisado ang Budget Circular No. 2020-4 na magpapatibay sa Section 32 ng Republic Act No. 9173, o ang Philippine Nursing Act of 2002 na naglalayong maglaan ng Salary Grade (SG) 15 sa mga entry-level nurse o mga nurse 1 na nagkakahalaga ng P32,053 hanggang P34,801 kada-buwan.

Samantala, ang mga nurse na may mataas na posisyon ay kabilang din sa salary upgrade na ito, ang mga nurse 2 ay mapapasailalim na sa SG 17, ang mga nurse 3 sa SG 19, nurse 4 sa SG 20, nurse 5 sa SG 22, at ang nurse 6 naman ay magkakaroon ng SG 24.

bottom of page