• Tj Ovivir

Mga Residente sa Cebu City, Makatatanggap ng Ayuda sa Gobyerno sa Ilalim ng ECQ


Cebu City

Ipinahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na mamimigay ang gobyerno ng financial assistance sa mga residenteng naninirahan sa Cebu City matapos mapasailalim muli ang lungsod sa enhanced community quarantine (ECQ).

Dahil hindi maaaring magtrabaho ang mga mamamayan sa Cebu City, walang pagkukunan ng mga pangunahing pangangailangan ang mga ito. Kaya sinabi ni Roque na mahalaga ang matatanggap na ayuda ng mga residente galing sa gobyerno.

Matapos lumobo ng doble ang mga kaso ng COVID-19 sa ilang barangay sa naturang lungsod, inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na babalik sa ECQ ang sentro ng probinsya.

Samantala, epektibo naman ang ECQ guidelines sa Cebu City hanggang June 30.