top of page

Mga Sementeryo sa Maynila, Isasarado sa Araw ng mga Patay


Photo from Manila PIO.

Sa kauna-unahang pagkatataon ay pansamantalang isasarado ng City Government ng Manila ang lahat ng sementeryo sa lungsod para gunitain ang araw ng mga patay sa darating na Nobyembre matapos itong ipagutos ni Manila Mayor Isko Moreno.

Ipinaliwanag ng alkalde sa kanyang Facebook live na ang pansamatalang pagsasara ng mga sementeryo sa naturang lungsod mula October 31 hanggang November 3 ay layong pangalagaan ang kapakanang pangkalusugan ng kanyang nasasakupan mula sa panganib na dala ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buhay ng tao.

Ani Moreno, mas magandang maagang malaman ng mga residente ng Maynila ang anunsyo upang magkaroon pa ang mga ito ng sapat na panahon upang makabisita sa kanilang mga mahal sa buhay na nakahimlay sa mga sementeryo ng lungsod bago pa sumapit ang nakatakdang araw ng pagsasara nito.

Dagdag ng Alkalde, malaking hamon para sa kanilang pamahalaan ang pagpapatupad ng physical distancing lalo na’t hindi maiiwasan ang dagsaan ng mga tao ngunit maaring magbago ang kautusan sakaling magkaroon na ng bakuna kontra COVID-19.

bottom of page