• Radyo Pilipino News Team

Mga Senior Citizen, PWD at Buntis sa Lungsod ng Naga, Magkakaroon ng Exclusive Window Hours

Sa pamamagitan ng isang executive order na pinalabas ni Naga City Mayor Nelson Legacion, magkakaroon na ng ekslusibong window hours ang mga senior citizens, persons with disability (PWDs), at mga buntis para ma-access ang kanilang mga essential goods at serbisyo sa mga establisyemento kagaya ng mga malls sa lungsod.


Ayon kay Mayor Legacion, na malaking tulong ito sa nasabing sektor dahil kahit pa mayroong special passes ang mga seniors, PWDs at mga buntis ay hindi maipapagkaila na may mga pagkakataong nababalewala ito kapag nagkasabay-sabay ang mga costumers halimbawa sa mga malls.


Base sa executive order ng alkalde, na ang mga malls na nagbibigay ng essential goods at services ay kailangang mag laan ng dalawang oras bilang ekslusibong window time para sa mga seniors, PWDs at mga buntis.


Dapat rin daw na siguraduhin ng mga malls na mga tanging authorized senior citizens, PWDs at buntis lamang ang i-aakomoda nila sa mga oras na nilaan para sa kanila.




0 views