Mga Sinehan sa China, Magbubukas na Ulit

Pagkatapos ng halos anim na buwang temporary closure, pinayagan na ng Chinese Government ang muling pagbubukas ng mga sinehan sa low-risk areas simula July 20.
Ito’y pagkatapos manatiling zero (0) ang domestic infections sa bansa sa loob ng 10 araw.
Ayon sa China Film Administration (CFA), kinakailangang sumailalim sa temperature-checking at ang mga movie-goers bukod sa mandatory na pagsunod sa mask-wearing at social distancing practices.
Maliban dito, maaari lamang tumanggap ng 30% capacity ang mga sinehan bawat
screening pagkatapos magparehistro sa CFA at local authorities ng mga ito.
Mahigpit namang babantayan ng mga local disease control departments ang muling pagbubukas ng mga business establishments upang masigurong nasusunod ang mga anti-epidemic guidelines dito.