Mga Siyentista, Nagbabalang Posibleng Magdulot ng Brain Damage ang COVID-19

Nagbabala ang mga eksperto mula sa College University London (UCL), maaaring maging sanhi ng brain-linked damage ang pagkakaroon ng COVID-19 gaya ng stroke, nerve damage, o nakamamatay na brain inflammation.
Ayon kay Dr. Michael Zandi, kailangang maging maingat at mapanuri ang lahat sa iba't ibang epekto ng COVID-19 bukod sa respiratory complications dahil mataas ang posibilidad na magkaroon ng neurological epidemic sa mundo.
Napag-alaman ng UCL ang bagay na ito matapos pag-aralan ang 43 katao na pinagsususpetsahang mayroong COVID-19, at lumitaw na 10 sa kanila ang mayroong 'temporary brain dysfunction' at delirium, 12 ang nakaranas ng brain inflammation at 8 ang may nerve damage.
Samantala, isa naman sa kanila ang nagsabing may leon at unggoy sa kanilang bahay dulot ng hallucinations. Ang iba naman ay nakararanas ng pagmamanhid, labo ng paningin at disorientation.