• Malou Manuel

Mga Star Players ng UST, Nasa Letran Knights Na


Nagpaalam na ang mga players ng UST na inaasahan ng team sa UAAP. Iniwan na nina Rhenz Abando, Brent Paraiso at Ira Bataller na at lumipat sa NCAA league sa Letran Knight sa kampo ni coach Boni Tan.

Naunang umalis sa UST Growling Tigers si CJ Casino, nang magkaroon sila ng problema ni coach Aldin Ayo. Dahil sa husay ni Casino ay kinuha siya ng UP Maroons ni Coach Bo Perasol.

Mainit naman ang pag tanggap sa tatlo ng Knights community lalo na si head coach Tan at Letran special assistant to the rector for sports development Alfrancis Chua.


Hindi naman agad makakapaglaro ang tatlo sa susunod na taon sa NCAA dahil kinakailangan pang mag one year residency na siyang batas ng liga.


Sa paglipat nina Abando, Paraiso, at Bataller ay lalong lumakas ang line up ng Letran sa NCAA 2022. Si Paraiso at Abando ay may taas na 6'2, malaki ang naitulong nila sa pagsungkit ng 2nd place nung 82nd season ng UAAP, habang si Bataller ay 6'4 ang taas.