top of page

Mga Transaksyon sa LTFRB at LTO, Pwede ng Online sa NCR Simula June 16


Magagawa na online ang mga transaksyon sa Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) sa National Capital Region (NCR) simula Hunyo 16.

Ayon sa pahayag na inilabas ng Department of Transportation (DOTr), layunin ng bagong Public Transport Online Processing System (PTOPS) ang patuloy na pagsunod sa physical distancing bilang tugon sa krisis ng coronavirus sa bansa at ang mas mabilis na pakikipagtransaksyon ng mga mamamayan sa Metro Manila.

Sinabi ni DOTr LTFRB Chairman Martin Delgra III na mas magiging accessible para sa lahat ag serbisyo ng mga ahensiya at ito na ang magiging ‘new normal’ upang mabawasan ang pagkalat ng nasabing pandemiya.

Sa ilalim ng bagong sistema, kailangan lamang gumawa ng account, pumili ng klase ng transaksyon na gagawin, at mag-schedule ng appointment online ang mga gustong makipag-ugnayan sa LTFRB.

Samantala, pwede nang iproseso online ang renewal ng mga lisensya, request for revision of records, requests for Certificate of No Apprehension, at online payment ng mga multa sa LTO gamit ang PTOPS.


Isasailalim naman ang pilot testing ng PTOPS at consultation kasama ng mga stakeholders simula June 1 hanggang June 15.

bottom of page