top of page

Mga Tricycle, Balik-Kalsada na sa Ilang Lungsod sa Metro Manila

Bagamat ‘di pa rin pinahihintulutan ang pag-operate ng pampublikong transportasyon sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ), pinayagan na ng ilang lungsod sa Metro Manila ang pagbabalik-kalsada ng mga tricycle.

Pumapasada na ang mga tricycle drivers sa lungsod ng Pasig, Malabon, Caloocan, Valenzuela, Navotas, at Mandaluyong basta susunod ang mga ito sa mga kondisyon na iaatas ng kani-kanilang local government unit (LGU).

Sa Pasig City, required ang mga drivers na mag-disinfect ng kanilang mga tricycle dalawang beses kada araw at magsakay ng isang pasahero lamang. Papayagan lamang ang backrider sa sitwasyon ng medical emergency.

Samantala, sinabi ni Malabon City Public Information Chief Bong Padua na tataas sa P15 ang base fare at P1 - P2 ang succeeding kilometers sa mga balik-pasadang tricycle, pedicab, at e-trikes sa siyudad.

Limandaang (500) tricycle drivers naman sa Manadaluyong ang sumailalim sa rapid testing. Hindi papayagang pumasada ang mga drivers na hindi pagpapatest ayon kay Mayor Menchie Abalos.



bottom of page