top of page

MHD, Nagsagawa ng Libreng Swab Testing para sa mga Vendors at Ilang Manggagawa sa Lungsod


Photo from Manila PIO.

Inatasan ni Manila Mayor Isko Moreno ang Manila Health Department (MHD) na magsagawa ng libreng swab testing para sa mga vendors sa palengke, mga tsuper, at mga piling establisyimento sa lungsod sa bisa ng Executive Order No. 39.

Kasabay ng pagbubukas ng ikalawang molecular laboratory sa Sta. Ana Hospital ay ang libreng mass testing ng city government para sa mga nagtitinda sa palengke at mga tsuper sa lungsod.

Nakaplano ring isailalim sa COVID-19 swab testing ang mga empleyado sa malls at ilang establisyimento na madalas puntahan ng mga tao.

Ani Moreno, mahalagang matiyak ang kaligtasan ng mga vendors, jeepney drivers, at mga manggagawa sa mga establisyimento partikular na ang pampublikong pamihilihan upang maiwasan ang pagkalat ng sakit at maging ligtas mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19)

bottom of page