top of page

MinDA, Isinusulong ang Paggamit ng Handmade Bamboo Face Shields


Photo from Department of Science and Technology - Forest Products Research and Development Institute

Kasalukuyang isinusulong ng Mindanao Development Authority (MinDA) ang paggamit ng isang eco-friendly face shields kung saan gamit ang bamboo o kawayan bilang proteksyon kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay MinDA Chief Secretary Emmanuel Piñol, isang grupo ng mga magsasaka sa Cotabato at mga miyembro ng Central Mindanao Green Workers Association ang namamahala sa pagbebenta ng handmade bamboo face shields.

Idinisenyo ni Junroe Barrios, isang young agricultural engineer mula sa M’lang, North Cotabato ang face shields at ibinebenta sa halagang P80 kada piraso.

Ani Piñol, ang produksyon ng mga face shields ay ginagawa mismo ng mga magsasaka sa kani-kanilang tahanan nang mayroong sapat na kagamitan upang makabuo ng isang produkto.

Hinikayat naman ni Piñol ang publiko na suportahan ang grupo ng mga magsasaka upang makabangon ngayong panahon ng pandemya at tangkilikin ang mga locally made face shields.

bottom of page