• Estephany Rivera

Miss Malaysia 2017, Binatikos Dahil sa ‘Black People Chose to be Black’ Comment sa Social Media


Photo from Instagram.com/samanthakayty

Kabi-kabilang batikos ang natanggap ni Miss Universe Malaysia 2017 Samantha Katie James pagkatapos nitong magpost sa Instagram ng kaniyang opinion ukol sa #BlackLivesMatter movement.

Sa IG stories ng beauty queen, pinili raw umano ng mga black people maging black at tulad ng gutom at kahirapan, hindi maiiwasan ang mga ganitong problema. “You chose to be born as a ‘coloured’ person in America for a reason. To learn a certain lesson."

Sa kabila ng kritisismong natanggap ni James sa social media at mula sa kaniyang mga kapwa celebrities, higit sa 135,000 na ang pumirma sa isang petisyong tanggalan ang beauty queen ng Miss Universe Malaysia ng titulo at korona.

Nagpost naman ng paghingi ng tawad si James sa kaniyang Instagram account at inaaming hindi napili ang kaniyang mga salita nang mabuti.