Miss Supranational 2020, Ikinansela Ngayong Taon


Photo from Facebook.com/MissSupranational

Inanunsyo ng Miss Supranational organization na opisyal na nilang kinakansela ang 12th edition ng patimpalak ngayong taon at maging ang male counterpart ng prestihiyong pageant na Mister Supranational 2021.

Ayon kay Gerhard Parzutka von Lipinski, presidente at taga-pamahala ng Miss at Mister Supranational organization, mas mainam na ipagpaliban muna ngayong taon ang naturang patimpalak dahil sadyang mapanganib at hindi magandang panahon upang ipagpatuloy dahil aniya isa itong international event at kakailanganin ang suporta ng iba’t ibang bansa.

Ginaganap tuwing buwan ng Disyembre ang taunang pageant sa bansa ng Poland kung saan nagtitipon-tipon ang mga kalahok mula sa iba’t ibang bansa at inaasam na masungkit ang korona ngunit ipagpapaliban muna ngayong taon.