Miss Universe Philippines, Tuloy ang Kompetisyon Ngayong Taon


Bagama’t karamihan sa mga Local at International pageants ay opisyal nang kinansela ang kompetisyon ngayong taon dahil sa pandemyang kinakaharap ng mundo, matapang na ipagpapatuloy ng Miss Universe-Philippines Organization ang isa sa mga prestishiyosong patimpalak sa bansa ngayong taon.

Ayon kay Jonas Gaffud, kabilang sa mga organizers ng naturang pageant, mahigpit na ipatutupad ang safety protocols ng pamahalaan at sisiguraduhin na mahahalagang bisita lamang ang papayagang dumalo sa prestihiyong patimpalak upang masiguro ang kaligtasan ng mga kandidata, hurado at manonood.

Tinatayang 50 candidates ang inaasahang kalahok sa naturang pageant ngayong taon, ngunit wala pang pinal na petsa kung kailan ito gaganapin.