top of page

Misteryosong Ilaw sa Cebu, Dahil sa ‘Planetary Conjunction’

Nilinaw ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration o PAGASA na isang planetary conjuction ang mistersyosong ilaw na nakita sa Cebu.

Ito'y kasunod ng reaksyon ng netizens sa kanilang pagtataka at pagkamangha nang lumitaw ang mga hindi pangkaraniwang ilaw sa kalangitan ng Bagay, Daanbantayan, Northern Cebu noong gabi ng ika-16 ng Mayo 2020.

Ayon sa PAGASA Mactan ang haka-haka ng taumbayan ay isang planetray conjunction kung saan naghahanay-hanay ang mga planeta.

Sinabi ni PAGASA Mactan Weather Specialist Nedz Saletrero-Deflin na inaasahan ang conjuction ng Jupiter, Saturn, Mars and Neptune kasama ang waning Moon simula ika-12 hanggang ika-18 ng Mayo.



bottom of page