top of page

MMDA, Umarangkada sa Edsa

Nagdaos ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng isang dry run para sa bicycle lane na inilaan sa EDSA bilang bahagi ng “new normal” sakaling alisin na ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa buong Metro Manila at kasabay ng pagdiriwang ng World Bicycle Day sa June 3.

Ayon kay MMDA traffic chief Bong Nebrija, ang outer lane ng EDSA ang magsisilbing daan ng mga bikers na planong dumaan sa bicycle lane habang magkahiwalay naman ang daan para sa mga motorista.

Dagdag ni Nebrija, papayagan lamang ang mga ito na dumaan sa EDSA na may bilis hanggang 20 kilometers per hour at kinakailangan din ang pagsusuot ng mga protective gears bilang proteksyon habang tinatahak ang kahabaan ng EDSA.

Ang paggamit ng bisikleta ay isa sa mga ikinokonsidera at sinusuportahan ng gobeyrno bilang alternatibong transportasyon sakaling malagay na ang buong Metro Manila sa ilalim ng general community quarantine.



bottom of page