top of page

MMFF, Tuloy pa rin sa Kabila ng COVID-19 Pandemic


Inanunsyo sa publiko ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kasama ang mga opisyal ng Metro Manila Film Festival (MMFF) na magpapatuloy ang taunang film fest sa Disyembre kahit pa may dagok na dulot ang COVID-19 pandemic.

Ayon kay MMFF spokesperson Noel Ferrer, nagsumite na ng entry ang iilang mga kalahok noong Mayo pa lamang, gaya ng "Ang Kaibigan ni Mama Susuan" ni Joshua Garcia, "MagikLand" ni Jun Urbano, "Praybeyt Benjamin 3" ni Vice Ganda, at "The Exorcism of My Siszums" ni Toni Gonzaga.

Kaugnay naman sa nakanselang Summer MMFF 2020, pasok na agad ang mga pelikulang naging kabilang dito sa darating na Summer MMFF 2021 pero nasa producer pa rin kung itutuloy nila ang paglahok.

bottom of page