top of page

Modern Jeep Experiment ng DOTr, Binatikos ng Traditional Jeep Drivers


Contributed photo.

Umani ng batikos mula sa transport group Piston ang umanoy experimentation ng Department of Transportation (DOTr) sa modern jeepneys habang bawal pa rin pumasada ang mga traditional na jeep.

Ayon sa Piston, nagbubulag-bulagan umano ang pamahalaan sa kahalagahan ng mga traditional jeepneys na gumagawa ng nasa 9 million trips sa Metro Manila ayon sa mga pag-aaral.

Dagdag pa nila, nalalagay sa bingit ‘di lamang ang buhay ng mga drivers kundi pati na rin ng mga commuters dahil sa eksperimentasyon na ito ng DOTr.

Binatikos din ng grupo ang paniniwala ng gobyerno na mas ligtas ang modern jeepneys kaysa sa mga traditional na jeep makaraang lumitaw sa pag-aaral ng Ibon Foundation na mas delikado ang mga air-conditioned na sasakyan dahil mas madaling kumalat ang coronavirus.

bottom of page