Monumento ni Rizal, Bubuksan na sa Publiko Ngayong October 5

Inaasahang bubuksan na ng National Parks Development Committee (NPDC) sa publiko ang Rizal Park partikular na ang monumento ng pambansang bayani sa darating na ika-5 ng Oktubre, taong kasalukuyan.
Ayon sa NPDC, bagama't nasa ilalim na ng umiiral na general community quarantine ang buong Metro Manila ay magpapatupad parin ng mahigpit na 'minimum safety protocol' ang kanilang ahensya upang matiyak na sumusunod ang mga inaasahang bibista sa naturang parke sa kanilang inihaing panuntunan.
Magiging limitado parin ang kapasidad ng mga taong papapasukin sa parke upang maiwasan ang dagsaan at paglabag sa health protocol ng pamahalaan.
Matatandang binuksan ang ilang bahagi ng Rizal Park nitong Hulyo upang payagan ang publiko na mag-ehersisyo, at magsagawa ng pisikal na aktibidad, ngunit limitado ang oras.