top of page

Motorcycle Back-riding sa MECQ Areas, Papayagan para sa mga Essential Workers


Photo for illustration purposes only.

Ipinahayag ni Chief of Joint Task Force COVID Shield Lt. Gen. Guillermo Eleazar na papayagan ang back-riding o pillion riding sa motorsiklo ng mga essential workers o authorized persons outside of residence (APOR) sa mga modified enhanced community quarantine (MECQ) areas.

Sa isang panayam, sinabi ni Eleazar na pwede na ang pag-angkas ng mga essential workers na work-related ang pagbabiyahe bilang tugon sa suspensiyon ng pampublikong transportasyon sa siyudad.

Gayunpaman, pinaalala pa rin ni Eleazar na kailangan pa ring mayroong plastic barrier sa pagitan ng nagmamaneho at nakaangkas.

bottom of page