Mt. Everest, Tanaw na Tanaw mula sa Kathmandu Valley, Nepal
Mula sa Kathmandu Valley tanaw ang ganda ng Mt. Everest ng mga tao sa Nepal na may layong 124 miles bago marating ang bundok.
Unang beses matapos ang ilang dekada ay muling nasilayan ang ganda at taas ng Mt. Everest sa Nepalese city ng Kathmandu, dahil sa kaliwa’t kanang lockdown sa Nepal na naging dahilan para mabawasan ang polusyon sa hangin gawa ng usok sa mga sasakyan, ingay sa paligid at iba pa.
Isang larawan na kuha ni Abhushan Gautam sa Kathmandu Valley noong May 10 ang umani ng pagkamangha nang muling masilayan ng mga taga-rito ang malinaw na itsura ng Mt. Everest.
Tuwing Marso hanggang Mayo ay tinatawag itong climbing season ngunit dahil sa banta ng coronavirus disease sa kalusugan ng tao ay nanatili paring sarado ang mga daan sa bansang China at Nepal para marating ng mga climbers ang peak ng Mt. Everest.
