Mt. Fuji Sarado Muna para sa Climbers Ngayong Summer Dahil sa Pandemic
Isinarado muna ng Japan ang Mt. Fuji para sa mga climbers na may planong umakyat dito ngayong summer dahil sa pandemyang kasalukuyang lumalaganap sa buong mundo.
Nakasarado ang 3 major routes sa pobinsya ng Shizouka at ang pang-apat na ruta sa probinsya ng Yamanashi kung saan halos 60% ng mga climbers ay nararating ang peak ng bundok.
Tuwing buwan ng July hanggang September tinatawag nila itong climbing season dahil sa mga buwan na ito ay maraming may nais na umakyat sa Mt. Fuji kung saan noong nakaraang taon ay nakapagtala ang Japan ng 236,000 climbers.
Ayon sa Kyodo news, unang beses sa loob ng 60 years ay isinarado ang lahat ng ruta papunta sa bundok.
Ang Mt. Fuji ay isang volcanic mountain na pinakamataas na bundok sa buong Japan, mayroon itong taas na 3,7776 meters above sea level.
