Muling Pagbubukas ng mga Dine-in Resto at Fast Food Chains, Papayagan sa Ilalim ng MGCQ

Papayagan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang muling pagbubukas ng mga dine-in restaurants at fast food chains para sa mga lugar sa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ).
Pahihintulutan din na mag-operate ang mga estabilisimento sa National Capital Region kapag sumailalaim narin ito sa MECQ sa June 16.
Ito’y matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang minimum health protocols na dapat sundin ng mga establisiyemento bago ang pagbubukas ng mga ito.
Binigyang-diin naman at ipinaalala ni DTI Secretary Ramon Lopez na dapat sumunod ang mga establisimiyento sa health standards na inilabas ng ahensiya at IATF.