Mungkahing Suspension ng Classes Hanggang December, Binatikos ng CHED
Updated: Apr 24, 2020
Tinawag na iresponsable ng Commission on Higher Education o CHED ang mungkahi ni University of the Philippines Resilience Institute Executive Director Mahar Lagmay na magkaroon ng nationwide suspension of classes sa kolehiyo hanggang Disyembre dahil sa COVID-19 pandemic.
Giitni Lagmay, ito ay upang higit na mabawasan ang tiyansa ng pagkalat ng sakit sa mga estudyante.
Ngunit ayon kay CHED Chairman Prospero de Vera III, dapat isaalang-alang ang pagkakaibang sitwasyon sa iba’t-ibang lugar sa bansa sa paggawa ng kahit anong desisyon ang komisyon.
Dagdag pa ni De Vera na lahat ng desisyong gagawin hinggil sa suspensyon ng pasok sa kolehiyo ay dapat i-base sa maaasahang impormasyon at datos na magagamit.
