top of page

Mystery Object sa Kalawakan, Sinusuri ng European Gravitational Observatory


Photo from Scitechdaily.com

Gamit ang gravitational wave sensors, natuklasan ang isang misteryosong bagay na 800 million light years ang distansya mula sa Earth at posibleng isa sa pinakamaliit na black hole o pinakamalaking neutron star sa buong universe.

Mas mabigat di-umano ng 2.6 na beses kaysa sa araw ng Earth ang natuklasan ng European Gravitational Observatory sa Italya at karagdagang observatoris sa United States gamit ang Advanced Virgo detector ang mystery object na ito.

Dahil sa fusion ng isang di kilalang object at isang black hole, nabuo ang misteryosong bagay na ito, 800 milyong taon na ang nakalilipas at bumuo ng malakas na gravitational force kaya't naging posible na mamataan ito mula sa Earth.

bottom of page