top of page

Nag-iisang Captive-Bred Tamaraw na “Kalibasib” sa Mindoro, Pumanaw na


Kalibasib when it was still alive. Photo from Eco Explorations.

Pumanaw nitong ika-10 ng Oktubre ang nag-iisang captive bred tamaraw na pinangalanang “Kalibasib” o tumutukoy sa Kalikasan Bagong Sibol na matatagpuan lamang sa isang isla sa Mindoro.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang critically-endangered species na nakatira sa Tamaraw Gene Pool Farm sa barangay Manoot sa Rizal, Occidental Mindoro ay nakaranas ng diarrhea nitong Biyernes na siyang naging sanhi rin ng kanyang pagpanaw nitong Sabado.

Noong ika-24 ng Hunyo, taong 1999 nang ipanganak si Kalibasib at inaasahan lamang ng DENR na mabubuhay ito ng 20 hanggang 25 na taon.

Sinabi ng ahensya na nasa edad 84 na ang naturang captive-bred tamaraw dahil magkaiba ang katumbas na bilang nito sa edad ng tao kada taon.

bottom of page