‘NAIA’ gustong gawing ‘PAPAPI’

Ilang kongresista ang nagsumite ng panukala na palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport sa Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas.
Base sa isinumite nina Representatives Paolo Duterte, Lord Allan Velasco, at Eric Yap ang House Bill No. 7031 ay naglalayon ng pagpapalit ng pangalan ng NAIA.
Sa isang joint statement, sinabi ni Paolo Duterte na kailangan raw ng pangalan na kakatawan sa international gateway ng ating bansa.
Bukod raw sa pagkakaroon ng ‘Pilipinas’ sa minumungkahing pangalan, ito umano ay walang halong kulay o anumang political agenda at magsisilbi lamang tanda sa kasaysayan ng mga Pilipino.
Dagdag pa ni Yap nais nila na pangalan ng Pilipinas ang sasalubong sa mga kapwa Pilipino at mga dayuhang bumibisita sa bansa.
Umani naman ng iba’-ibang reaksyon mula sa mga Pinoy ang nasabing panukala lalo na’t ang acronym ng mungkahing pangalan, ‘PAPAPI’, ay ang tawag sa sikat na artistang si Piolo Pascual.