top of page

Namemeke ng mga Work/Board Passes sa Naga City, Timbog

Inihahanda na ng pulisya ang patong-patong na kasong kakaharapin ng isang lalaki na nabistong namemeke ng mga boarder at work passes sa lungsod ng Naga.


Kalaboso ngayon ang suspek na si Ares Alerta, 44 na taong gulang matapos itong mahuli sa isinagawang entrapment operation ng pinagsanib na pwersa ng COVID-19 Incident Management Team (IMT) ng Naga, PNP, at City Events Protocol and Public Information Office (CEPPIO) kanina sa central business district 1 ng lungsod.


Kumagat ang suspek sa entrapment operation ng mga otoridad at positibong nabisto ang modus ng suspek na namemeke ng mga dokumento at mga passes na kinakailangan para makapasok sa lungsod ng Naga.


Nakumpiska ng mga otoridad ang mga gamit ni Alerta kagaya ng computer, printer, scanner, laminator, mga pekeng ID, passes, mga valid stickers, work pass at iba pang gamit.


Ayon kay Rene Gumba, ang commander ng COVID-19 IMT ng lungsod, isang mabigat na krimen ang ginawa ng suspek dahil nahaharap ngayon sa seryosong problema ang lungsod dahil sa COVID-19 pandemic. Kakasuhan si Alerta ng falsification of documents at usurpation of authority.



bottom of page