• Tj Ovivir

NASA at SpaceX, Pinaghaandaan na ang Kanilang Kauna-unahang Astronaut Launch


Matapos ang makasaysayang test flight ng Crew Dragon noong May, planong i-launch ng National Aeronautics and Space Administration at ng SpaceX ang kanilang kauna-unahang mga astronauts sa darating na September.

Sakay ang spacecraft din na hugis gumdrop, ang Crew Dragon, nakatakdang lumipad pa-outerspace ang Crew-1, na sina Victor Clover, Michael Hopkins, Shannon Walker, at Soichi Noguchi mula sa launch site ng SpaceX, ang Kennedy Space Center sa Florida, USA.

Samantala, mauunang isagawa ang Demo-2, isang test mission na magpapatunay kung ligtas ang space capsule na gagamitin. Kapag nakabalik na ang mga US astronauts na sina Robert Behnken at Douglas Hurley, tsaka magtatakda ng opisyal na petsa ang Crew-1 launch.