top of page

NASA, Nadiskubre ang Isang 'Parallel Universe'

Natuklasan ng iilang siyentista sa National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang di-umano'y parallel universe na kung saan umiiral ang lahat ng bagay sa kabaligtaran matapos nilang isagawa ang isang cosmic ray detection experiment.

Ang eksperimentong ito ay nakadiskubre ng particles na maaaring nagmula sa ibang universe.

Gamit ang Antarctic Impulsive Transient Antenna (ANITA) na nakasasagap ng maliliit na electronic antennas sa Antarctica — isang lugar na walang radio noise, nakatuklas sila ng "constant wind" na nagmula sa outer space na posibleng mas mapwersa ng ilang milyong beses kaysa sa kayang i-produce ng tao.

Ayon sa siyensiya, ang mga high energy particles ay maaari lamang dumaloy pababa sa Earth, galing sa outer space. Ngunit ang pag-iral ng malakas na enerhiyang natuklasan gamit ang ANITA, na dumadaloy pataas ay nagpapatunay na posibleng mayroong isang universe na baligtad o opposite ang daloy ng oras o panahon.



bottom of page