• Radyo Pilipino News Team

NASA Naglunsad ng Dalawang US Astronauts Matapos Makansela ng Siyam na Taon


Photo from NASA

Iniulat ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) at ng kompanyang SpaceX na itutuloy na lamang sa May 30, Sabado, 3:21 PM, ang nakasadya sanang launch ng SpaceX Crew Dragon sakay ang dalawang Amerikanong astronauts dahil sa masamang takbo ng panahon.

Iniurong ang launch ng space rocket na ito, na sakay sana sina Bob Benhnken at Doug Hurley, 17 minuto bago ang take off.

Isang makasaysayang pangyayari sana ito dahil matapos ang siyam na taon, muling makalilipad ang isang gawang-Estados Unidos na space rocket, na laman ang dalawang US astronauts, mula sa International Space Station (ISS) sa Amerika.

Samantala, ipinahayag naman ng NASA sa kanilang twitter account na ang seguridad at kaligtasan pa rin ng lahat ang kanilang prayoridad.