top of page

Nastranded na mga Manggagawa sa Makati dahil sa Lockdown, Nakaisip ng Paraan para Mabuhay

Tatlong construction workers at isang janitor na inabutan ng lockdown sa Makati ang gumawa ng paraan para mabuhay sa paraan ng pagtitinda ng mga pagkain gaya ng turon at lumpia.

Umani ng iba’t ibang magandang reaksyon mula sa mga tao ang isang Facebook post na makikita si Prak Joseph Serrano, Ariel Gakit, Justin Ganza at Vincent Demafiles na nagbebenta ng turon at lumpia sa mga hawak nilang tray.

Sa halagang P500 na puhunan ay kumikita sila ng P700 kada araw sa pagtitinda mula sa P10 pisong halaga ng lumpia at turon na kanilang ibinebenta. Ang lahat ng kanilang kita ay inilalaan nila sa pang-araw araw na pagkain.

Sa kabila ng kanilang kalagayan ay naisip parin nila ang sitwasyon ng karamihan kaya namamahagi din sila ng libreng turon at lumpia sa mga mahihirap bilang tulong na rin sa mga ito.

Ayon sa mga workers, hindi sila pwedeng umasa lang sa wala at hindi naman sila entitled sa anumang ayuda.

bottom of page