• Tj Ovivir

National Center for Mental Health, Kauna-unahang DOH Hospital na Naging COVID-free


Inanunsiyo ni National Center for Mental Health (NCMH) Medical Chief Doctor Roland Cortez na wala nang kaso ng COVID-19 ang nasa loob ng naturang ospital matapos magkaroon ng 86 na empleyado at 41 na pasyenteng positibo.

Ito ang kauna-unahang ospital sa ilalim ng Department of Health (DOH) na may populasyong halos 5, 000 na maging COVID-19 free.

Sinabi ni Cortez na masaya sila sa paglaya ng Ospital mula sa COVID-19 subalit hindi sila magpapaka-kampante kaya susundin pa rin nila ang mga istriktong health measures at protocol.