top of page

National ID Pre-Registration, Nakatakda Ngayong Oktubre


Nakatakdang umpisahan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pre-registration ng National ID system ngayong buwan ng Oktubre bilang paghahanda sa isang malawakang proseso ng rehistrasyon.

Nitong Hulyo, sinimulan na ng PSA ang pilot testing ng door-to-door pre-registration process para sa Philippine Identification System (PhilSys) na may layong paikliin ang nagagamit na oras sa mga registration centers.

Ayon kay acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua, handa na ang ahensya na magsagawa ng house-to-house pre-registration kung saan magkakaroon ng appointment system na siyang magtatakda ng araw kung kailan ka maaring pumunta sa malapit na registration center para sa biometrics.

Ang naturang panukala ay bahagi ng hakbang ng ahensya upang makontrol ang bilang ng mga taong tutungo sa kanilang tanggapan at mahigpit na masunod ang health protocols ng pamahalan.

bottom of page