National Museum, Tuloy ang Pagsasaayos Bilang Paghahanda sa Muli Nitong Pagbubukas

Pinagpapatuloy ng National Museum of the Philippines (NMP) ang pagpapabuti ng mga exhibition spaces ng kanilang mga museo para sa mga obrang nilikha ng mga kilalang pintor sa bansa bilang paghahanda sakaling mawala na ang mahigpit na restriksyon ng community quarantine sa buong Metro Manila.
Kasalukuyang inililipat ng NMP ang lugar ng mga World War II artwork collections ng mga sikat na pintor sa Pilipinas gaya ng obra ni Fernando Amorsolo na “Bataan” at “The Burning of Manila” noong 1942 na ngayon ay matatagpuan na sa National Museum of Fine Arts’ Silvina and Juan C. Laya Hall.
Ang Laya Hall ng NMP ay ipinapakita ang mga kilala at hindi malilimutang obra ni Amorsolo na naglalarawan ng mabangis na mga kaganapan noong World War II.