top of page

National Water Resources Board, Tinaasan ang Water Supply sa Metro Manila, Bulacan, Rizal at Cavite

Dinagdagan ng National Water Resources Board (NWRB) ang supply ng tubig ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) hanggang sa katapusan ng May dahil sa patuloy na pagtaas ng heat index ng iilang lugar gaya ng Metro Manila, Bulacan, Rizal, at Cavite.

Epektibo mula May 14 hanggang 31, ipinahayag ni NWRB Executive Director Sevillo David na ang karagdagang 48 cubic meters per second (CMS) ay makatutulong para mapanatili ang supply ng tubig sa gitna ng COVID-19 pandemic at tumataas na pambansang temperatura sa buwan na ito.

Dagdag pa niya, may sapat na supply ang Angat Dam para mapunan ang demand, pero binabalaan ni David ang mga residente na kailangan pa rin ang pagtitipid sa tubig upang hindi magkaroon ng aberya sa mga susunod na buwan.



bottom of page