NCAA 96th Season sa June 2021 na ang Opening

Nagpalabas ng statement ang National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa pangunguna ni Rev. Fr. Victor C. Calvo Jr., NCAA Chairman at si NCAA President Rev. Fr. Clarence Victor C. Marquez tungkol sa kanilang bagong polisiya.
Dapat sana ngayong Hunyo taong kasalukuyan ang simula ng NCAA 96th season, ngunit dahil sa nagaganap na krisis sa bansa ay kinansela ito para sa kaligtasan at kalusugan ng mga studyante, atleta, coaches at mga trainor ng bawat team. Gayundin para sa mga supporters ng liga.
Sa pahayag ng NCAA, magbubukas ang tournament sa June 11, 2021 kung saan ang Colegio de San Juan de Letran ang siyang host sa susunod na taon.
Pangunahing sports tournament na gagawin ay ang basketball, volleyball, swimming at ang track and field. Pag-uusapan pa kung lalaruin ang iba pang sports tulad ng chess at e-sports.
Defending champion sa basketball ang Letran Knights kung saan ang naka harap nila ay ang San Beda College sa score na 81-79.