• Estephany Rivera

NCR, Iba pang Probinsiya, Balik MECQ Hanggang August 18


Photo from PCOO.

Inaprubahan ni President Rodrigo Duterte na ibalik sa mahigpit na modified enhanced community quarantine (MECQ) ang mga lalawigan ng Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal, at Bulacan simula August 4 hanggang August 18.

Ito’y pagkatapos imungkahi ng mga medical frontliners ang muling pagpapatupad ng Enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila dahil sa patuloy na dumadaming bilang ng COVID-19 cases sa bansa.

Idinulong din ng mga medical experts sa pangulo ang pagpapatupad ng mas komprehensibo at mas epektibong COVID-19 measures na pipigil sa walang patid na pagdami ng mga kaso ng pandemiya sa bansa.

Nasa ilalim ng General community quarantine (GCQ) ang Metro Manila simula noong June 1, isang hakbang ng gobyerno upang unti-unting buksan ang ekonomiya ng bansa.