• Cathy G

NCR, Laguna at Cebu City Nasa Modified Enhance Community Quarantine Hanggang May 31

Updated: May 13

Sasailalim sa Modified Enchance Community Quarantine o MECQ ang Metro Manila, Laguna at Cebu City hanggang May 31.


Ito ang ipinahayag ni Presidential spokesperson Harry Roque matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon na iextend ang ECQ sa mga nabanggit na lugar.


Nakapaloob sa modified ECQ ang pagkakaroon ng limitadong paggalaw sa bawat sona para sa kinakailangang serbisyo at trabaho, kasama dito ang piling operasyon sa paggawa at proseso sa mga planta na may 50 porsyento sa pwersa ng hanap buhay.


Mananatili naman suspendido ang klase at ang mga lugar na ikinokonsiderang nasa moderate risk ay sasailalim na sa General community quarantine.