NCRPO Chief Major General Sinas, Kakasuhan

Ihahain na ang kasong isasampa kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Major General Debold Sinas kasama ang mga senior officials na dumalo sa naging pagtitipon ng Philippine National Police.

Itoý dahil umano sa ginawang paglabag nito sa mga panukala ng community quarantine sa naganap na selebrasyon ng kanyang ika-55 na kaarawan noong Mayo 8.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, dahil isang “third level officer” at presidential appointee si Sinas ay kailangan munang kumuha ng clearance ang PNP mula sa Office of the President bago magsampa ng kasong administratibo laban sa kanya.

Gayunpaman, lubos na humingi ng paumanhin si Sinas at mariin nitong iginiit na walang mali sa ginawa niyang pagtanggap sa mga nagbigay ng sorpresa noong kanyang kaarawan.



12 views